Abante Tonite Interactive

Nanaginip na nagmamaneho ng kotse

467

Napanaginipan kong nagda-drive ako ng ­kotse namin. Sa aktuwal na buhay, tinuturuan pa lamang akong magmaneho at wala pa akong lisensya. Pero sa panaginip ko ay mag-isa lang akong nagmamaneho at hindi ko rin alam kung saan ako papunta.

Kasama sa ­common dreams ang pagmamaneho at mga sasak­yan. Kadalasan, ang panaginip na nagmamaneho ka ng sasak­yan ay sumisimbolo sa kontrol na gusto mong makamit sa iyong buhay.

Tanungin ang iyong sarili kung ikaw ba ay nasa puntong kailangan mong magbago ng direksyon. Halimbawa ay papasok ka sa bagong trabaho, bagong eskuwelahan, bagong relasyon at iba pang kahalintulad na malala­king pagbabago sa buhay. Kung sa iyong pana­ginip ay naramdaman mong kalmado ka lamang na nagmamaneho, magandang indikasyon ito. Nangangahulugan na anuman ang papasukin mong pagbabago sa buhay ay relaks ka lang at wala kang nararamdamang takot.

Ang manibela ay maikokonek kung paano mo kinokontrol ang buhay mo. Ang preno ay konektado naman kung paano mo hinaharap ang bawat sagabal sa iyong daan habang ang makina ng sasakyan ay ikinokonek naman sa ating mga itinatagong panganga­ilangan at kagustuhan. Kung sa pagmamaneho ay panay ang preno mo, indikasyon itong marami ka ring nararanasang sagabal sa iyong daan. Maraming pahirap.

Kung ang iyong pagda-drive ay mabilis, mas­yadong nagmamadali, maraming mga paliko-liko at kung nawalan ka ng preno, indikasyon naman ito na nai-stress ka sa papasukin mong pagbabago at sa aktu­wal na buhay ay wala ka ring kontrol sa nangyayari. Dahil mag-isa ka lamang na nagda-drive at wala kang pasahero, indikasyon ito na ikaw ang nasusunod sa landas na tinatahak mo pero maaari ring wala kang suportang natatanggap.

Ang kotse sa pana­ginip ay nagpapakita rin na marami ka pang pupuntahan sa hinaharap dahil nagbibigay ito ng indikasyon ng ‘movement’. Maaaring bibisi­ta ka sa ibang lugar sa mga bagong kaibigan at kung trabaho naman ay kakailangan mong ma­ngibang lugar o mag-abroad.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay nagpapakita ng pagbabago. Sa mga pagbabagong ito, ikaw pa rin ang dapat masunod. Ikaw ang dapat may hawak ng manibela.

***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.