Abante Tonite Interactive

Nanakit ang dibdib: Harvey sinugod sa ospital

483

Matapos masentensyahan sa kasong rape, isinugod sa ospital ang American producer na si Harvey Weinstein. Idinadaing umano nito ang pananakit ng dibdib bago siya ihatid sa kanyang kulungan.

Ang dapat sanang unang gabi niya sa ­bilangguan ay nauwi sa Bellevue ­hospital sa Manhattan. Mukhang hindi niya kinaya ang naging sentensya sa kanya sa criminal courtroom.

Ayon sa The Blast, pagdudusahan niya sa ­kulungan ang kasong third degree ng rape at first degree ng criminal act. Mayroon pa siyang ­dalawang charges na maaaring maghatol sa ­kanya ng habambuhay na pagkakakulong.

Kaya naman habang dinidinig pa ang kaso ay kinakailangan niya munang manatili sa kulungan.

Samantala, hindi maiwasan ng ilang netizen na kwestyunin ang biglang pagdaing ni ­Weinstein ng sakit sa kanyang dibdib. Ayon naman sa ­representative ng producer, ito umano ay resulta ng kanyang operasyon matapos ang nangyaring car accident. (Rona Avecilla)