Abante Tonite Interactive

Nanalong bidder sa P600M SG contract sa BSP nakabitin

0 194

Mahigit tatlong buwan nang naghihintay ang mga sumali P600 milyong security service na kontrata ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagsagawa ng prebid confe­rence ang BSP para sa 500 security guards noong April 24, 2019 at nag-isyu ito ng isang bid bulletin na tinanggal na ngayon sa website kung saan ang deadline para sa pagsusumite ng bids ay noong May 6, 2019. Noong Huwebes, sinabi sa procurement office ng BSP na wala pang napipiling security agency at sinabi din nitong maghintay-hintay na lang sa anunisyo.

Ang budget para sa 500 security guards ay P602.2 milyon sa loob ng tatlong taon. Ang security guard services ay nahahati sa apat na lots: Dalawang lots ang para sa National Capital Region na ang isa ay para sa 110 na security guards ang ang pangalawa ay para sa 45 na security guards.; ang lot 2 ay para sa 190 security guards na ikakalat sa Luzon, Visayas, at Mindanao; at ang lot 4 ay para 155 na guwardya na ikakalat sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera.

Ang security agency ng pamil­ya ni Solicitor General Jose Calida, ang Vigilant Investigative and Security Agency Inc., ang nanalo sa kontrata ng BSP para sa security services oong 2018. Ang hala­ga ng kontratang napanalunan ng security agency ng pamilya ni Cali­da ay nagkakahalagang P17.7 mil­yon para sa 45 security guards. (Eileen Mencias)