Abante Tonite Interactive

Nanalong mga party-list, sino sila?

0 302

Kaye Dacer

Hawak na ng 39 party-list group mula sa kabuuang 51 nanalo sa katatapos na halalan ang kanilang certificate of proclamation mula sa Commission on Elections (Comelec).

Ang certificate of proclamation ay katunayan ng kanilang panalo sa eleksyon noong Mayo 13.

Ang unang 39 party-list na maagap na tumanggap ng kanilang COP ay ang sumusunod:

Bayan Muna, Patrol, Kabayan, Abono, Amin, Bagong Henerasyon, Trade Union Congress Party, Democratic Independent Women’s Association, A Teacher, Agap, CWS, Bahay, Talento at Galing ng Pinoy, RAM, Dumper, PTDA,
Probinsyano Ako, Manila Teachers, Philreca, Apec, Recoboda, Ako Padayon Pilipino, Kabataan, Marino, Galing sa Puso (GP}, 1Pacman, Ako Bisaya, An Waray, Ako Bicol, Ang Probinsyano, Tingog, Sagip, LPGMA, OFW, ACT-CIS, Alona, Probinsyano Ako, Kalinga, Abang Lingkod at BHW.

Sa mga nabanggit nating party-list group may ilang kilala dahil may mga nagawa na sila para sa bayan pero mas marami ang nakakagulat na nakalusot na sorry to say pero ‘never heard’ sila.

Hindi katulad ng Bayan Muna, Ako Bicol, TUCP na talaga namang marami nang nagawa para sa kapakanan ng taumbayan at hindi mo sasabihing pansariling interes ng pamilya o samahan ang prayoridad.

Kaya malaking hamon ang mga batas na naisulong ng nasabing mga grupo sa mga bagong mukha ng party-list group sa Kamara.

Kung hindi kayang lagpasan ay tapatan man lang sana nila ang matitinong batas na kanilang isinulong at naging ganap nang batas.

***
Malamang ay hilong talilong na ang mga kongresistang nag-aambisyong maging Speaker.

Kung ako ang tatanungin hindi ka dapat mangatog o makaramdam ng daga sa dibdib kung alam mong karapat-dapat ka sa posisyon.

Katulad na lamang nitong si Taguig Con­gres­sman-elect Alan Peter Cayetano na hindi maingay ang pangalan sa pagka-Speaker pero mukhang itinutulak ng mara­ming mambabatas.

Sabagay kung pag-uusapan ang kuwa­lipikasyon ay hindi mapag-iiwanan itong si Cong-elect Alan.

Andami na yata niyang pinagdaanang posisyon at higit sa lahat ay nakahawak na ito ng mga sensitibong isyu nang italaga itong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng dati ay katiket niya sa national elections na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga kuwalipikasyong ito tiyak akong maning-mani na kay Cayetano na katawanin ang Kamara at Pilipinas sa international arena dahil sa kanyang karanasan.

In short, winner ang kanyang track record.

Ang tanong ko, kumusta naman kaya ang tatlo pang nag-aambisyong maging Speaker taglay ba nila kahit isa sa katangian ni Alan? Ilatag nyo rin para magkaalaman.