Abante Tonite Interactive

NANANAHIMIK SI ROUSEY

135
ronda-rousey
Kuha ang larawan noong Oktubre 27, 2015 kung saan sumasagot si MMA fighter Ronda Rousey sa mga katanungan ng mediamen bago ang kanyang laban kay Holly Holm. (AFP)

LOS ANGELES — Balik-mixed martial arts si Ronda Rousey ng Estados Unidos  sa Sabado (M­anila time) pagkaraan ng 13-month absence, sa pagbangga kay Amanda Nunes ng Brazil para sa bantamweight title ng Ultimate Fighting Championship  207.

Huwag lang munang umasa ng ingay mula sa Amerikana.

Ang once-dominant champion na mismo ang tumanggi na mag-promote sa kanyang comeback bout, hayagang pag-iwas sa traditional pre-fight media responsibility.

Ang pananahimik ni Rousey’s ang nag-iwan kay Nunes at iba pang mga fighters sa card sa awkward position sa paggawa ng dirty works para maibenta ang UFC’s end-of-the-year, pay-per-view event sa Las Vegas, Nevada.

“I really don’t know what’s going on with Ronda right now,” dada ni Nunes. “This whole thing, I really don’t know. … I think the UFC is doing it for her.

I think the UFC has been doing all the promos for her. I think she can do whatever she wants.”

Si Rousey ang most marketable name sa game at maaaring biggest mainstream star sa MMA history, at ang kanyang return mula sa last year’s shocking knockout loss sa kababayang si Holly Holm ang isa sa mga naging biggest sports events ng holiday pe­riod.

Naglaho sa publiko si Rousey (12-1) tapos ng defeat, pero pumayag magbalik para sa title shot laban kay Nunes (13-4), na nakakopo ng belt noong Hulyo.

Ang pasya ni Rousey na dalangan ang pag-appear sa  mga talk-show at mga interview ang pumwersa kay Nunes na may maliit lang na bahagi kumpara sa kasikatan ni Rousey  na balikatin ang promotio­nal weight kasama sina talkative men’s bantamweight champion Dominick Cruz ng USA, na makakagirian ang Kano ring si Cody Garbrandt sa co-main event sa T-Mobile Arena.

Tonite – Wendys Inhouse Ad