Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nananakit ang likod kahit walang ginagawa

0 465

New normal na talaga ang mapirmi sa bahay ngayong lalo pang tumataas ang bilang ng nagkakasakit sa Covid19. Karaniwan na ang tinatawag na work-from-home arrangement sa mga kumpanya, o ang pagtratrabaho sa loob lamang ng bahay. Ang tanong sa atin ngayong linggong ito, hindi na nga ako pumapasok sa opisina dahil work from home ako, pero bakit sumasakit pa din ang katawan ko? May karamdaman na ba talaga ako o tumatanda kaya? May lunas ba ito?

Ang una nating dapat intindihin ay kahit mukhang hindi tayo gumagalaw ay tuluyan pa din ang paggalaw ng ating katawan. May tinatawag na isotonic at isometric movement. Parehong gumagalaw ang mga muscles ngunit ang una ay umiikli ang haba ng mga muscle fibers, at ang huli naman ay hindi nagbabago ang haba ng ito. Ang una ay natural nating kilos at galaw. sa paglalakad, pag may mga kinukuha o inaabot tayo. Lahat ng galaw natin ay isotonic movement. Kung tayo ay nakapirme, gaya ng pagupo o pagtayo, kahit mukhang hindi tayo gumagalaw, may mga muscles na nag kokontract para manatili tayo sa pwesto at hindi lumagapak sa mesa o sahig, ito ang isometric movement. Tinutulungan nito na mapantay ang ating balanse at tikas. Ito ay maaari din maging sanhi sa sobrang tagal ng manatili sa isang pwesto gaya ng pag-upo ng matagal sa harap ng computer dahil sa trabaho o sa pagaaral.

Dahil dito ay maaari pa din makaramdam ng pangingirot, lalo na kung hindi nabibigyan ng pagkakataon ang katawan na maiba ng pwesto. Hindi pagtanda ang sanhi nito at lalong hindi masasabing wala namang ginagawa. Importante ay maisaayos ang pwesto sa bahay. May lugar man na maayos o wala, ayusin ito ng maging kaaya aya sa pagtrabaho at aral. Huwag siksikin ang sarili nang hindi magka strain o fatigue. Habang nasa kalagitnaan ng ginagawa, siguraduhin na kumilos kilos. Tumayo at magiiikot, kung hindi kaya dahil sa liit ng lugar, maaaring ikutan ang upuan ng tatlong beses bago muling umupo. May mga ehersisyo na pwedeng gawin gaya ng arm stretches, chest opener, spinal twists, calf muscle toning, leg lifts, rag doll fold, ankle rotations, thigh at gluteal squeezes ay ilan lamang sa maaaring magawang exercises habang nakaupo.

Related Posts

Mapirmi man o hindi sa isang pwesto, galaw galaw ang kailangan natin ng umayos at lumakas ang katawan natin. Sabi nga sa awitin, “mag-exercise tayo tuwing umaga upang ang katawan natin ay sumigla!”

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.