Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanapak na senior, binaril ng utol

0 268

Dahil sa kakulitan at kalasingan, napatay ng isang lalaki ang nakababatang kapatid matapos barilin sa Barangay Bulihan, Nasugbu, Batangas, Linggo ng umaga.

Mga tama ng bala sa katawan ang agarang ikinamatay ni Felixberto Bautista, 63, matapos itong barilin ng ilang beses ng kanyang kuya na si Pedro, 68, gamit ang isang .38 revolver.

Ayon sa Nasugbu police, alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang krimen sa bahay ng suspek.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PMAJ Jun Bautista, hepe ng pulisya, lasing umano ang biktima at sinuntok ang suspek na sa ikalawang pagkakaton ay hindi na nakapagtimpi at binaril ang kapatid.

Napag-alaman na noong nakaraang gabi, bago ang krimen ay lasing din ang biktima at dinayo na rin ng away ang kapitbahay na kapatid na pinagpasensyahan muna nito.

Naaresto ng mga pulis ang suspek at nahaharap sa kasong homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.