Abante Tonite Interactive

Nanay, 3 anak na-food poison sa baboy

0 119

Tinakbo sa ospital ang isang ginang at tatlo niyang anak matapos ma-food poison sa kinain nilang adobong baboy sa Malasique, Pangasinan noong Martes.

Kinilala ng Malasique Police Station (MPS) ang biktimang sina Mara Jovellanos at tatlong anak nitong menor-de-edad, ng Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Sa report ng MPS, inihain umano ni Jovellanos sa mga anak ang adobong boboy bilang pananghalian.

Ngunit ilang oras lang ay bigla silang nakaranas ng labis na pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Dahil sa labis na panghihina, agad dinala sa ospital mga biktima.

Ayon sa salaysay ni Jovellanos, ibinigay ng kanilang kapitbahay ang karne ng baboy na galing umano sa palengke.

Isasailalim ngayon ng Malasique Municipal Health Office kung ang adobong baboy na kinain ng mga biktima ay kontaminado ng African Swine Fever. (Allan Bergonia)