Abante Tonite Interactive

Nanay buwis-buhay sa sunog, 3 anak ligtas

223

Isang ginang ang binawian ng buhay samantalang pinalad na makaligtas ang tatlo nitong anak sa naganap na sunog sa Barangay Hagonoy, Taguig City, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa report ng Taguig City Police Station, tatlong pamilya ang nadale sa nasunog na tatlong bahay sa Quezon Street sa may Dimasalang.

Sa nakalap na ulat kay Ana Joy Parungao, ng Bureau of Fire Protection (BFP), base na rin sa paglalahad ng kapamilya ng biktima, naipit ang biktimang si Rose Franco sa nasusunog nilang bahay kaya nasawi.

Pinalad namang nakalabas ng bahay ang tatlo nitong anak pati na ang kanyang mga magulang.