Abante Tonite Interactive

Nanay ko si ate

524

Magandang araw mga ka-Abante. Ako nga pala si Babylyn, taga-Quezon City, share ko lang ang nakakagulat na kuwento ng aming kapitbahay.

Isang matinong pamilya kung sisipatin ang aking kapitbahay. Relihiyoso sila, hindi lang linggo-linggo nasa simbahan, kundi araw-araw yata. Kaya laking gulat ko sa ikinalat na tsismis ng kanilang kasambahay na imbiyerna sa kaplastikan ng pamilyang pinagsisilbihan.

Sabi ng matabil na kasambahay ng relihiyosang pamil­ya kong kapitbahay, may malaking sik­retong iniingatan daw ang mga ito.

Sikreto pero hindi ito lingid sa kanilang mga kasamahan sa bahay. Ang tsika para hindi na kayo mabitin, anak daw pala ng nag-iisang anak nitong CEO sa isang sikat na kompanya ang kanyang inaakalang bunsong kapatid.

Napakahirap isipin na totoo ang tsikang ito ng kanilang kasambahay pero mukhang totoo dahil marami pa akong kapitbahay ang nagpatotoo.

Ayan lang ang blind item ko at sana naman ay huwag na nilang itago dahil kawawa si bunso.

Salamat sa pagkakataong ibinigay n’yo sa aking tsika. Sa uulitin.
Babylyn ng QC