Abante Tonite Interactive

Nanay nagwalwal saka nagpatiwakal

270

Nakipag-inuman muna sa mga kapitbahay bago nagbigti ang isang ina sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Kinilala ni P/Insp. Juan B. Mortel, ng Crimi­nal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang si Elvie (‘di tunay na pangalan), 24, housewife, taga-Brgy. Talipapa, QC.

Sa imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, ng CIDU-QCPD, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakaluhod at may nakapulupot na itim na kable sa leeg dakong alas-10:30 nang gabi kamakalawa sa loob ng kanilang tahanan.

Dakong alas-10:30 nang gabi ay napansin umano ni Vilma Guillermo, kapitbahay ng biktima na nasa labas pa ng bahay ang 5-anyos na anak ni Elvie at naglalaro pero madilim ang loob ng bahay nito.

Minabuti ni Guiller­mo na puntahan ang bahay ng biktima at dahil madilim ang loob ay ginamit niya ng cellphone flashlight at doon ay bumungad ang bangkay ni Elvie.

Isinugod ang biktima sa Vian Family Hospital subalit dineklara itong dead-on-arrival.

Masusi ngayong iniimbestigahan kung may foul play sa sinasabing pagpapakamatay ng biktima.