Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanay ni Isko, pumanaw na

0 228

Pumanaw na ang nanay ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon ng umaga, isang araw matapos na ipagdiwang ni Moreno ang kanyang ika-46 na kaarawan.

Wala pang pormal na pahayag na ibinibigay si Moreno kaugnay sa detalye nang pagkamatay ng kanyang inang si Rosario Domagoso.

Inaasahan naman na magbibigay ng opisyal na pahayag ang alkalde sa detalye ng pagkamatay ng kanyang ina sa mga susunod na araw.

Si Rosario Domagoso, tubong Allen, Northern Samar ay taga-Balut, Tondo kung saan ginugol ng alkalde ang kanyang kabataan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.