Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanay pinatay sa sakal ng stepson

0 365

Kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na ginang sa kamay mismo ng stepson nito matapos siyang sakalin hanggang malagutan ng hininga at binaon sa gilid ng ilog sa Cadiz City, Negros Occidental.

Kinilala ang suspek na si Angelito Sibuyan, 46, habang ang biktima naman ay nakilalang si Andiolina Sibuyan pawang residente ng Sitio Paniquion, Brgy. Jerusalem.

Ilang kapitbahay ang nakakita sa paghuhukay ni Angelito sa tabing ilog at nagtaka sila kung bakit ilang araw nang hindi nakikita ang biktima kaya nagduda na ang mga ito sa pangyayari dahilan upang i-report nila sa pulisya.

Agosto 3 nang magtungo ang pulisya sa lugar upang imbestigahan ang suspek sa pagkawala ng biktima. Inamin naman ng una sa krimen. Ayon sa suspek, Agosto 1 alas-siyete ng gabi nang magdilim umano ang kanyang isip dahil sa umano’y walang tigil na pagmumura sa kanya ng kanyang stepmom dahilan upang sakalin niya ito hanggang sa mamatay.

Palagi na lang umano siya nitong pinagmumura sa tuwing magkakaroon ng kaunting pagkakamali at naipon na umano ito hanggang sa dumating na sa sukdulan ang kanyang pagtitimpi.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek at sinampahan ng kasong murder. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.