Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanay tinaga ng depressed na anak

0 344

Inoobserbahan sa pagamutan ang isang ina, at anak nito nang pagtatagain ng isa pa niyang anak na diumano’y nakararanas ng depresyon sa Ilagan City, Isabela nitong Huwebes.

Sa ulat ng pulisya, magkasama sa iisang bahay ang 67-anyos na ina, at dalawang anak nito na 32 at 42-anyos. Bigla na lang umanong naghuramintado ang nakatatandang anak at tinaga ang utol nito. Sinunod naman niya ang kanyang ina habang paakyat ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Agad tumakas ang suspek na pinaghahanap na ngayon ng pulis. Agad na dinala ang mga biktima sa pagamutan.

Mahaharap ang suspek sa kasong double attempted homicide, na umano’y nakararanas ng depresyon matapos hiwalayan at iwan ng kanyang asawa at anak. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.