Abante Tonite Interactive

Nancy happy sa giyera nina Trillanes, Cayetano

116

Kung mayroon mang natutuwa sa banga­yan nina Sen. Alan Peter Ca­yetano at Antonio Trillanes III, isa na rito si Sen. Nancy Binay.

Ayon kay Binay, magkahalong lungkot at tuwa ang nadarama niya nang magbangayan sa hearing ng Senate committee on justice noong Huwebes sina Cayetano at Trillanes.

Nalulungkot siya dahil sa may mga kasama­han siya sa Senado na nag-aaway sa imbestigasyon ng extrajudicial killings umano sa Davao City su­balit ikinatutuwa niya na magkaaway na ang dating magkakamping sina Ca­yetano at Trillanes.

Matatandaan na sina Cayetano at Trillanes ang nagtulungan sa pag-imbestiga sa mga anomalyang kinasasangkutan ni dating Vice President Jejomar Binay.