Abante Tonite Interactive

Nancy kinabog ang mga kasama sa Momoland

By
0 500
Halos ‘di magkamayaw ang mga fan na matiyagang nag-aabang nang lumabas ang phenomenal Korean girl group na Momoland sa kanilang special bus.
Ang Momoland ay ang bagong ambassadresses ng isang multi-level marketing company na “Frontrow” at sila pa mismo ang special guest para sa ribbon-cutting ng bagong opisina nito sa Mother Ignacia, Quezon City.
Sa presscon na ginanap bago ang fan meeting, tinanong sila kung kailan nila planong magbakasyon sa bansa. Sa ngayon daw ay wala pa silang time dahil sa pagiging abala nila. Tantiya naman nila na baka tatlo o apat na taon mula ngayon ay makakapagbakasyon na sila sa bansa.
Samantala, walong member lang ang nakadalo dahil may sakit ang kanilang pansiyam na miyembro na si Yeonwoo. Pero para sa mga fan ni Yeonwoo ay na­ngako ang presidente ng Frontrow na si RS Francisco na dadalhin siya sa ‘Pinas.
Ginanap ang kanilang eksklusibong fan meeting sa ABS-CBN Vertis Tent at piling mga loyal members lang ang nagkaroon ng tiyansang makita mag-perform ang Korean girl group.
May mangilan-ngilan din na mapalad na nagwagi sa palarong inihanda at nagkaroon ng pagkakataon na ma-meet and greet ang mga miyembro sa backstage.
Naging fun-filled with excitement ang naganap na fan meeting. Game na game pa nga na inawit ni Joo E ang “Bakit Ngayon Ka Lang.”
Sa walong miyembro ng girl group ay masasabi talagang si Nancy ang paborito ng crowd. Talagang naghihiyawan ang mga fan sa tuwing magsasalita siya. Tinalbugan niya ang mga kasamahan niya.
Ito ang ikalawang beses na pagbisita ng ­Momoland sa bansa matapos ang kanilang private concert nitong August. Samantala, sa darating na December 9 ay nakatakda silang mag-perform sa Vigan, Ilocos Sur.