Abante Tonite Interactive

Nancy ng Momoland hinanap si Liza

By
3,000

AWARE ang K-pop singer na si Nancy ng Momoland na ikinukumpara siya sa Kapamilya star na si Liza Soberano. Kahit hindi pa nito nakikita o kilala si Liza, naging aware ang isa sa siyam na miyembro ng Momoland kay Liza dahil na rin sa palagiang pagta-tag sa kanya ng netizens tuwing may makakapansin ng pagkakahawig nga raw ng dalawa.

Naglabas si Nancy ng short video kunsaan, ipinapakitang sine-search niya si Liza. Ilang beses na narinig na napa-“wow” si Nancy sa nakikitang search kay Liza. Kasama ni Nancy sa video ang dalawa pang Momoland members na sina Daisy at Ahin.

Kung pagbabasehan ang mga reaksiyon nila, walang-duda na tulad ng iba, napahanga rin ni Liza ang mga k-pop singers. Ayon kay Ahin, “She’s so pretty!” Si Daisy naman ay matagal na raw kumbinsido sa pagkakahawig nga nina Nancy at Liza.

Abante Hiring – IT dep

Ang video ay cut na lang sa ginawang Facebook live ng Momoland girls. At sa ngayon, umabot na ng million views at ilang libong comments sa netizens.

Katulad ni Liza, half-American din si Nancy. Half-American at half-Fi­lipino si Liza at si Nancy naman ay half-American at half-Korean at ipinanganak sa Seoul, Korea. May English name siya which is, Nancy Jewel Mcdonie at Lee Seung Ri naman ang kanyang Korean name, pero mas kilala siya sa stage name na Nancy.

Bata pa lang si Nancy ay kilala na itong aktres at model sa South Korea. At ang position niya sa Momoland ay lead vocalist, lead dancer, visual, center at maknae.

Kim Jonghyun binigyan ng tribute ng mga fan

ANG mga fan ng namayapang leader ng SHINee na si Kim Jonghyun ay patuloy pa rin sa pag-alala sa singer na nagpakamatay noong December 18, 2017.

Birthday niya noong April 8 at bilang pag-alaala rito, ang mga tagahanga ni Jonghyun sa Korea ay nagsagawa ng isang collaborative, special “forever with fans” memorial.

Naglagay sila ng mga ad­vertisement sa Seoul bilang pag-alaala sa kanyang kaarawan. Para raw ito sa pagbibigay tribute sa na­ging buhay ni Jonghyun at ang napakaraming naging kontribusyon niya sa K-pop. Bukod sa pagiging singer, si Jonghyun ay kilalang composer at radio disc jockey rin.

Bago pa ang mismong kaarawan ni Jonghyun, may mga nakalagay ng advertisement niya sa exits 1 at 2 ng Jungangro station at makikita ito sa buong buwan ng April. Meron din sa Gangnam station at marami na rin K-netizens ang nagpo-post ng mga naturang ads sa kanilang social media.

Hindi maikakaila na hanggang ngayon, marami pa rin talaga sa mga taga­hanga ni Jonghyun ang hindi makapaniwalang wa­­la na nga ito. Na habang busy na muli ang grupong SHINee sa kanilang shows abroad, sina Onew, Key, Minho at Taemin na lang ang nagpapatuloy ng isa sa mga kilalang k-pop male group sa Korea.