Abante Tonite Interactive

Nancy sa BuCor: Ayusin n’yo computation sa GCTA

284

Maging maingat naman kayo sa pagkukuwenta sa good conduct time allowances (GCTA) ng mga preso!

Ito ang panawagan ni Senadora Nancy Binay sa Bureau of Corrections (BuCor) kasabay ng pagsabing dapat rebyuhin ang kanilang proseso sa pagbibigay ng GTCA sa mga convicted dahil mali ang kanilang ginagawang pagkukuwenta dito.

“Ayusin naman sana ‘yung pagbibilang. A simple math mistake can directly perpetuate wholesale injustice,” sabi ni Binay.

“Kaya, ‘wag natin itong tingnan lamang sa simpleng credit o deduction dahil sa ‘good behavior’. Malaki ang implikasyon ng bawat araw at numero sa computation–an error can be a criminal’s ticket to freedom,” punto pa nito.

Sa ilalim umano ng Article 70 ng Revised Penal Code, ang period ng reclusion perpetua ay hanggang 40 taong pagkakakulong.

“In the light of the Mayor Sanchez case, baka kailangan bigyang pansin ang ibang mga kaso na nabigyan ng CPIs at good conduct time allowances,” ani Binay.

Sa ilalim ng RA 10592, ang Credits for Preventive Imprisonment (CPI) at ang GCTA ay makakabawas sa termino ng pagkakakulong ng isang preso. At kapag nabigay na ang allo­wance na ito, hindi na ito puwede pang bawiiin pa.

Samantala, nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Department of Justice (DOJ) na isapubliko ang evaluation at computation ng GCTA ng mga bilanggo. (Dindo Mati­ning/ Lorraine Gamo)