Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nandakma ng ari, transgen tinodas

0 108

Patay ang isang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex and Asexual (LGBTQIA) matapos pagtatagain ng lalaking kanyang nakainuman na sinasabing kanyang hinipuan sa bayan ng Nabas, Aklan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Idineklarang dead on arrival sa pinagsugurang pagamutan ang biktimang si Ronnie Tambong, 48-anyos.

Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Raymund Salvador, 32, construction worker, kapwa taga-Barangay Gibon ng nasabing bayan.

Sa naantalang ulat ng Nabas Municipal http://hotcanadianpharmacy.com Police Station, naganap ang insidente Sabado ng gabi habang nag-iinuman ang suspek at biktima.

Kapwa lasing na ang dalawa nang hipuan umano ng biktima sa ari ang suspek.

Nagalit umano si Salvador at pinagsabihan ang suspek subalit hindi umano ito nakinig.

Sa galit ng suspek, pagkakita sa itak ay pinagtataga ang biktima saka tumakas subalit kalaunan ay sumuko rin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.