Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nandito ako sa Davao – Duterte

0 384

Ipinamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na fake news ang kumalat sa social media na may sakit siya at dinala sa Singapore para magpagamot.

Sa inilabas na video ni Senador Bong Go, nagsalita ang Pangulo at sinabing nasa Davao City lang siya at umiiwas sa COVID-19.

Huwag aniyang paniwalaan ang umikot na fake news sa social media.

“Well as you can see clearly, I’ve been in Davao all along. Umiiwas tayo ng COVID. Nandito po ako sa Davao. Huwag po kayong maniwala,” sabi ng Pangulo sa kanyang mensahe.

Ginawa ito ng Pangulo bago nagsimula ang kanyang pulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito, pinaalalahan muli ng Pangulo ang publiko na sundin ang health protocol para hindi makapitan o mahawa sa COVID-19.

“The admonition is wash your hands, wear a mask, cover your eyes and stay home. That’s what I did,” dagdag ng Pangulo.

Pagkatapos ng kanyang virtual meeting ay inaasahang ihahayag na ni Pangulong Duterte ang kanyang desisyon sa magiging quarantine status ng Metro Manila at ilang karatig-lalawigan.

May nilabas ding litrato na kasama ng Pangulo ang kanyang partner na si

Honeylet Avanceña at dalawang apo habang kumakain sa kanilang bahay. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.