Abante Tonite Interactive

Nang-agaw ng motor sa pulis, bulagta

369

Patay ang isang lalaki habang arestado naman ang kanyang kasama matapos ang tangkang pang-aagaw ng motorsiklo na gamit ng isang pulis sa Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City Linggo nang tanghali.

Batay sa nakalap na report mula sa Southern Police District, nakilala ang nasawing suspek na si Jayson Victoriano alyas ‘Tisoy’, taga-Dasmariñas City, at ang naaresto na si Mico Pernia Gimong.

Ayon sa report, nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng dalawang suspek at sa pulis na si P/Cpl. Eric Jones Ambat, nakatalaga sa Las Piñas Police.

Naganap ang insidente bandang ala-1:30 nang tanghali sa kahabaan ng Tionquiao St., Brgy. Manuyo Dos habang sakay ang biktimang pulis sa kanyang motorsiklo nang tangkain umano ng dalawang suspek na agawin ang kanyang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente. (Vick Aquino)