Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nang-ararong lady doc, tinadtad ng kaso

0 570

Patung-patong na kaso ang isinampa ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) Sector 6 ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa doktorang driver ng Mitsubishi Montero na umararo sa Landbank of the Philippines sa Edsa Munoz, Quezon City, nitong Miyerkules.

Kasong reckless imprudence resulting to damage to property at physical injury ang kinakaharap ni Dra. Ester Peralta, isang physician ng Manila Health Department.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni P/Staff Sgt. Ruel Ang, ng DTEU, alas-8:00 ng umaga nitong Miyerkules (March 17) nang araruhin ng Montero ng doktora ang nasabing bangko sa sangay ng Edsa Munoz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang salaysay, iginiit ng driver na naka-park mode ang kambyo ng kanyang sasakyan nang bigla itong umarangkada at dire-diretsong tinumbok ang bangko.

Aniya, posibleng mechanical error o problema sa computer box ng Mitsubishi Montero ang dahilan ng nasabing aksidente, pero ayon sa imbestigador, posibleng ‘human error’ din ang dahilan ng naturang pangyayari.

Nasugatan ang isa sa mga empleyado ng bangko na si Aireen Marco 44- anyos habang umabot naman sa P2.6 milyon ang nawasak sa loob ng Landbank. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.