Abante Tonite Interactive

Nang-hostage ng bata, Tinodas

By
0 351

Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang mabaril ng pulisya matapos na mag-amok at mang-­hostage ng isang bata kamakalawa ng hapon sa ­Barangay San Roque, ­Tarlac City araw ng ­Miyerkoles.

Hindi na umabot nang buhay habang isinusugod sa ospital ang suspek na si Geffrey Orpilla bunsod ng pagka­kabaril sa kanya ng mga awtoridad.

Batay sa report na ipinadala kay Police Supt. Joel Mendoza, chief of police ng Tarlac City, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon nang bigla na lamang umanong mang-agaw ng itak mula sa tindero ng buko ang suspek bago hinabol ng taga ang mga taong nagla­lakad sa bangketa sa tapat ng isang mall sa nabatid na barangay.

Nakita umano ng ­suspek ang 3-taong gulang na lalaki at agad hinablot ito mula sa pagkakakarga sa kanya ng ama.

Mabilis namang nakapagresponde sa lugar si PO2 Jaypee Cuna­nan na agad nakipagnegosayon sa suspek para pakawalan nito ang hinostage na bata.

Subalit imbes na ­sumunod ay inatake ni Orpilla ng itak ang ­pulis, dahilan para paputukan niya ito.

Sinabi ni Mendoza na hindi taga-Tarlac City ang suspek na tumitira sa bayan ng Victoria at napadpad lamang ito sa lugar dahil sa umano’y may nagtatangka sa kanyang ­buhay roon.