Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nang-rape ng hipag timbog sa Baliwag

0 551

Isang lalaki ang dinakip ng awtoridad makaraang gahasain ang 14-anyos niyang hipag sa loob ng kanilang tinitirhan sa Barangay Concepcion, Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ni P/Lt. Col. Jayson San Pedro, chief of police ng Baliwag Municipal Police Station, nakilala ang suspek na si Benny Giray na residente ng nasabing barangay, nakakulong ngayon, at nahaharap sa kasong kriminal matapos reypin ang biktimang itinago sa pangalang ‘Neneng’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na kamakalawa ng hapon nang rumesponde ang Baliwag Police sa Barangay Concepcion at pinosasan ang suspek matapos mabistong ginahasa nito ang kanyang sariling hipag na menor de edad.

Lumilitaw na wala ang misis ni Giray nang pagsamantalahan nito si Neneng sa loob ng kuwarto nito, at dahil sa takot na muling maulit ang pangyayari ay gumawa ng paraan ang biktima para makapagsumbong sa pulisya. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.