Abante Tonite Interactive

Nang-snatch ng LV wallet, 18-anyos kinuyog

334

Kinuyog ng mga istambay ang isang 18-anyos na snatcher­ na nanghablot ng pitaka ng isang college graduate habang nagla­lakad kamakalawa ng gabi sa España Boulevard corner Eloisa St., Sampaloc, Maynila.

Binitbit sa Manila Police District-Police Station 4 (MPD-PS 4)ang suspek na si Christian Correa y Bataller, 18, taga-524 Tagaytay St., Caloocan City.

Ayon sa biktimang si Paulyn Venice Verzosa­ y Cabuenas, 20, taga-902 Saint Claire Homes, Eloisa St., Sampaloc, alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente.

Naghahanap umano ng makakainan ang biktima nang biglang hablutin ng suspek ang Louis Vuitton nitong wallet na naglalaman ng ID nito, P1,120 cash at 3 tig-1 dolyar.

Nakita ng mga istam­bay ang ginawa ng suspek kaya hinabol ito at kinuyog nang makorner.

Nakadetine na sa MPD-PS 4 ang suspek at inihahanda ang kasong robbery snatching.­ ­(Juliet de Loza-­Cudia)