Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nangangailangan ng Dugo

0 120

May kasabihan, “Ang pagbigay ng dugo ay pagbigay sa isang tao ng buhay”. Ito ay may kinalaman sa blood donation.

Mayroon tayong isang reader na gustong tumulong sa kaniyang kasamahan sa trabaho na maooperahan at mangangailangan ng dugo. Ang tanong sa atin ay “pwede ba ako magdonate ng dugo? Ano ang kailangang gawin at hindi gawin? Safe ba ito, hindi ba ako manghihina sa gagawing donasyon?” Ang mga ito ay nasabi nang kinakabahan ng husto.

Ang dugo ay may life cycle ng 120 days. Sa panahon na ito, dumadaloy ang dugo sa ating buong katawan. Pagkatapos ay mamamatay na ang blood cells na sya naman pagmumulan ng bagong dugo. Bakit ba nangangailangan ng madaming dugo? Mayroon tayong 5 litro ng dugo sa katawan. Kung wala naman sakit, karamdaman, at hindi naaksidente ay sapat naman ang dami nito. Ngunit, sa panahon na magkasakit, may anomalya sa metabolismo, may tumor sa anumang bahagi ng katawan, at lalo na kung maaksidente, hindi sa malayo mabawasan ang dami nito. Maaaring magkaroon ng pagbaba at pagbagsak ng blood pressure at mahilo kung mabilis ang pagkawalang dugo. Pwede din hingalin at mamutla kung mabagal. Maaaring ikamatay din ito kung humigit sa 40% ang mawala. Anuman ang dahilan, pagsalin ng dugo ang pinakamahalaga.

Ang mga sumusunod ang kinakailangan para makapagdonate ng dugo. Kinakailangan hindi bababa sa 110 lbs ang timbang, ang pulso ay nasa 60 hanggang 100 beats kada minuto, at ang blood pressure ay mas mababa sa 160/100. Nagkakaroon ng physical examination muna at kinukunan ng kaunting dugo muna upang malaman ang cell counts at kung may mga sakit na maaaring malipat sa dugo. Ang pagkapula ng dugo o hemoglobin ay hindi dapat bababa ng 12.5 g/dL sa babae at 13 g/dL sa lalaki. Kung mayroong mga sumusunod na karamdaman, hindi na ito maaaring mag donate ng dugo. Kabilang dito ang kanser, sakit sa puso, malalang sakit sa baga, may hepatitis B at C, HIV, AIDS, o anumang sexually transmitted diseases, at manginginom. Madalas nagiging hadlang ang mga tattoo at mga body piercings, ngunit may mga exceptions din naman, makipagugnayan lang sa pinakamalapit na blood bank. Kung may ibang karamdaman tulad ng hypertension at diabetes, maaari pa din mag donasyon kahit naggagamot, basta sa oras na kukunan ng dugo ay normal ang eksaminasyon nila. Sa babae, basta hindi dinadatnan ay pwede din magdonate.

SM food to go Banner Ad

May mga payo tayo sa mga magdodonate. Huwag kumain bago mag donate. Gawin ito pagkatapos. Sa katunayan, nagbibigay pa ng meryenda at kendi habang nagdodonate. Maaari naman uminom bago mag donate. Huwag magdonate kung masama ang pakiramdam. Huwag manigarilyo at uminom ng alak bago mag donate. At higit sa lahat, huwag magpuyat sa gabi bago mag donate.

Itong Hulyo ay blood donation month. Napakadaming may sakit ang nangangailangan ng dugo. Magtanong sa inyong barangay o health center, maaaring may blood donation drive sa inyong lugar. Huwag nang antayin may mangailangan ng ating dugo, magbigay tayo ng taos puso.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.