Abante Tonite Interactive

Nangangamoy away sa bakuran ni Binay

120

Nangangamoy away sa pagitan ng mga bataan ni dating Vice President Jejomar Binay partikular sina Quezon Rep. Danilo Suarez at Navotas Rep. Toby Tiangco dahil sa ambisyon ng dalawa na maging minority lea­der ng 17th Congress.

Kahapon ay kinumpirma ni Suarez na nagkita sina Binay, lide­r ng United Nationalist Allianc­e (UNA) at incoming House Speaker Pantaleon Alvarez ng PDP-Laban sa Makati Diamond Residence sa Makati City noong Martes.

“They (Alvarez and Binay) met yesterday (Tuesday) and talked about the speakership.

After the meeting, Vice President Binay told me that I am the UNA candidate (speakership race),” ani Suarez.

Base sa sistema ng halalan sa Kamara, ang sinumang matatalo sa speakership ay siyang magiging minority leade­r.

Ayon kay Suarez, si­niguro niya kina Binay at Alvarez na magiging “constructive and coo­perative opposition” ang kanyang grupo kapag siya ang naging minority leader sa 17th Congress.

Agad namang itinanggi ni Tiangco, na nag-aambisyon ding maging minority leader, ang pahayag ni Suarez na ito ang nais ni Binay na maging minority leader sa Mababang Kapulungan.

“That is not true,” ani Tiangco subalit inamin nito na sinabi umano ni Alvarez kay Binay sa kanilang pulong na susuportahan lamang nila ang UNA na maging mino­rity kung si Suarez ang kanilang kandidato.

“Hindi naman puwedeng ganoon, sila na ang majority tapos sila pa ang minority. Ano ang ibig sabihin ng susuportahan­? Magbibigay ng boto?” ayon pa kay Tiangco.

Sa ngayon ay hawak ng Liberal Party (LP) sa pangunguna ni outgoing Speaker Feliciano Belmonte ang manibela para mamuno sa minority bloc sa Kamara dahil mahigit 35 pa umano ang mga natitirang miyembro ng partido.