Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanganganib 5,000 empleyado ng Okada

0 158

Dahil sa gusot ng pagmamay ari ng Okada Casino Hotel ay nanganganib na maapektuhan ang nasa 5,000 na empleyado nito at mga supplier.

Posibleng hindi makatanggap ng suweldo ang lahat ng empleyado matapos na magdesisyon ang bank na i-freeze ang account ng Okada bilang pag- iingat kung sino ba ang opisyal na may karapatan na pumirma sa paglalabas ng pondo.

Bukod sa 5,000 empleyado na hindi makatanggap ng suweldo ay ang mga supplier din ay posibleng hindi rin mabayaran dahil sa nasabing usapin.

Kinumpirma ni Atty. Estrella Elamparo, abogado ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. ( TRLEI) na ang ilang bangko ay nagdesisyong i-freeze ang accounts ng Okada bilang pag- iingat kaugnay na rin ng inilabas ng Korte Suprema na Status Quo Ante Order.

Dahil din sa iligal na pag-take over ng grupo nina Kazuo Okada kasama ang dating board member na sina Tony Boy Cojuangco at Dindo Espeleta sa Okada Casino hotel ay nalagay sa panganib ang kapakanan ng 5,000 employees at mga supplier ng nasabing hotel.

SM food to go Banner Ad

Mismong ang parent company na Tiger Resort Asia Ltd.(TRAL) na nakabase sa Hongkong na siyang may pag- aari ng 99.99 percent ay umalma at binatikos ang iligal na pag-take over ng grupo nila Kazuo Okada at Tonyboy Cojuangco.

Naglabas na ng pormal na pahayag ang TRAL na hindi nito kinikilala ang grupo ni Kazuo Okada at Tonyboy Cojuangco at nagbabala sa sinuman na huwag makikipag transaksiyon sa grupo ng ito dahil wala itong bisa.

Sensitibo ang usaping ito na dapat ay agad na maresolba ng korte sa lalong madaling panahon.

Nakasalalay sa desisyon ng korte ang epekto nito sa direct foreign investment na pumapasok sa Pilipinas na maaring makaapekto sa ating ekonomiya.

Dapat ay maprotektahan ang mga dayuhang pamumuhunan sa bansa dahil ito ang kailangan ngayon ng Pilipinas.

Bukod pa ito sa kapakanan ng mga manggawa at maliliit na negosyante na tumatayong supplier ng Okada Casino Hotel .

Leave A Reply

Your email address will not be published.