Abante Tonite Interactive

Nanghipo ng puwet sa pool, kalaboso

610

Kulungan ang bagsak ng isang 25-anyos na lalaki na nanghipo umano ng puwet ng 15-anyos na dalagita sa ilalim ng nilalanguyang swimming pool sa Brgy. Central, Balanga City, Bataan, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Erwin Zuniga residente ng Dinalupihan, Bataan na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o Anti Child Abuse Law, matapos ireklamo ni ‘Marjorie’, hindi tunay na pangalan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, magkahiwalay umano ang languyan ng kababaihan sa kala­lakihan bilang patakaran na ipinatutupad ng pamunuan sa Lavista Resort kung saan nangyari ang insidente.

Pero walang kaabog-abog na nag-dive umano ang suspek sa pool na nilalanguyan ng biktima at doon na biglang hinawakan at pinisil-pisil sa puwet ang dalagita dahilan upang magsumbong ito sa life guard na agad tumawag ng pulisya para maaresto ang suspek. (Jojo Perez)