Abante Tonite Interactive

Nanghiram ng medalya para makakuha ng suporta​

1,098

Dahil sa dami ng mga National Sports Association (NSA) na miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) ay hindi na nito nababantayan ang iba’t ibang mga aktibidad na minsan ay nagbibigay ng kahihiyan at masamang imahe sa Pilipinas sa lokal at internasyonal na komunidad ng sports.

Hindi na nito pansin ang ilang nakakaalarmang gawain tulad ng panghihingi at panghihiram ng medalya pag-uwi sa Pilipinas para lamang maipakita ng publiko at makakuha ng insentibo mula sa mga sponsor, benefactor at pati na sa mga ahensiya sa sports.

Sa isang torneo sa bansang Europa na sinalihan ng maliit na delegasyon ng Pilipinas, hindi nagwagi ng titulo sa anumang kategorya ang mga delegado.

Pero ang isa nitong miyembro na pabida ay nanghiram ng medalya para nga naman pagdating sa Pilipnas ay mayroong maipagyabang sa press at umaasang makakuha ng sponsor sa sunod na torneong lalahukan nila.

Sa kabila nito, alam ng lahat na bokya sa anumang titulo ang kanilang delegasyon sa sinalihang kompetisyon.
Sino siya? May letrang ‘D’ sa kanyang pa­ngalan, as in ‘D’ na nahiya!