Abante Tonite Interactive

Nangongotong sa mga Tsino, huhubaran ng Senado

By
Photo by Albert Calvelo
1,849

Nais ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na magsagawa ng pagsisiyasat ang Senado hinggil sa sinasabing pangongotong sa mga Chinese sa bansa.

Sa nakuhang impormasyon ni Sotto sa Phi­lippine National Police (PNP), may sindikatong kinabibila­ngan ng mga Chinese at Taiwanes­e ang nangongotong sa mga Tsino.

Sa inihaing Senate Resolution 694, iginiit ni Sotto na dapat matuklasan ang buong ka­­to­tohanan sa impormasyon upang mapapanagot ang mga nasa likod nito.

Inihayag sa resolus­yon ang pagkakadakip noong Enero ng Anti-Cyber Crime Group ng PNP, sa tulong ng Bureau of Immigration (BI), sa 151 Chinese at Taiwanese na kasapi ng sindikato.

Modus operandi uma­no ng mga suspek na magpanggap na mga pulis, prosecutor at iba pang law enforcer.

Tinatakot umano ang mga Chinese na sila ay suspek sa money laundering at iba pang krimen bago aatasang magdeposito sa ibinibigay na bank account para makaligtas sila sa kaso.

Ayon kay Sotto, iti­nuring na itong top priority ng Public Security Ministry ng China dahil nakakulimbat na ang sin­dikato sa ganitong modus ng US$15 milyon sa loob ng ilang buwan lamang.

Sa tantiya ng China, nasa 70,000 hanggang 80,000 ang mga Chinese at Taiwanese na kasapi ng sindikato na kumalat sa mga bansa­ sa Southeast Asia, kara­mihan ay sa Pilipinas, matapos na mabisto ang kanilang gawain sa China.