Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nangongotong sa telco isumbong kay Duterte

0 252

Dapat magsilbing ‘wake up’ call sa mga telecommunication company ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang mga ito dahil sa pangit nitong serbisyo sa tao.

‘’As one thing in the President’s statement on the issue is certain and true: that our country’s telecommunications services pale in comparison with our neighbors and with other jurisdictions in terms of speed and efficiency,’’ pahayag ni Lacson sa isang statement.

Sa kanyang SONA noong Lunes, binigyang ng Pangulo ng hanggang Disyembre ng taong ito ang mga telco para ayusin ang kanilang serbisyo dahil kundi mapipilitan silang iparasa ang operasyon nito.

“This kind of “threat” worked in the past: Mighty’s P40-billion tax settlement; Philippine Airlines’ settling a P6-billion obligation to the government; the Mile Long property taken over by government; and the rehabilitation of Boracay, to name a few cases that did not need to undergo lengthy and expensive court litigations,” sabi ni Lacson.

Dapat din umanong mag-isyu ng babala ang Pangulo sa mga local government unit (LGU) executive na nangongotong sa telcos kapalit na pagbibigay ng permit at lisensya.

‘’But what the President failed to issue is a similar warning to some local government unit (LGU) executives who extort money from the telcos in exchange for permits and licenses as well as “protection” from delays in the construction of such facilities, especially in areas where the presence of armed groups like the CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) is strong,’’ ayon pa kay Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.