Abante Tonite Interactive

Nangotong, 3 traffic enforcer kulong

353

Timbog sa entrapment operation ang tatlong traffic enforcer na inireklamo ng pangongotong sa Tanauan City, Batangas Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ang mga itong sina Jeffrey Lajara, Lito Millarez at Janet Anzano, pawang tauhan ng Tanauan City LGU-Traffic Management Office.

Hindi na nakapalag ang mga ito nang posasan matapos tanggapin ang P500.00 marked money o ‘lagay’ ng isang pulis na nagpanggap na tricycle driver.
Sinadya ng pulis na lumabag sa trapiko at nagpahuli sa mga pulis bago nakipagtawaran.

Ikinasa ang entrapment operation laban sa tatlo matapos makatanggap ng reklamo ang pulisya hinggil sa matagal nang pangongotong ng tatlo sa mga tricycle at jeepney driver sa ­Tanauan City na hinuhuli dahil sa iba’t ibang mga traffic violation.

Nakadetine na ang tatlo sa Tanauan City police station locked up cell at sasampahan na ng kasong robbery extortion. (Ronilo Dagos)