Abante Tonite Interactive

Nangungupahan naghamon ng demandahan

0 303

Dear Atty. Claire:

Magandang araw po attorney! Nais ko po sanang ihingi sa inyo ng tulong ang problema ko sa aking nabiling lupa.

Mayroon na po akong titulo subalit ang dati pong nangungupahan ay ayaw umalis sapagkat siya raw po ay binigyan ng certificate of occupancy ng tunay na may-ari na si Rod­riguez State. Tanging korte lang daw ang makakapagpaalis sa kanila.

Sana po ay matulu­ngan n’yo ako. Kami po ay ‘di naayos ng barangay at talagang gusto po ng dating na­ngungupahan na magkaso raw. Ito po ang sulat na binigay niya sa barangay, patunay draw na kay Rodriguez ang nabili kong lupa. Mula po September ay hindi na sila nagbabayad.

Salamat po,
Aira

Ms. Aira:

Tandaan mo, marami sa ngayon ang gumagamit ng mga pekeng dokumento makalamang lamang sa kapwa. Sa nga­yon ay may mga sindikatong gumagala at biglang papasukin ang lupang bakante at doon maninirahan at magpapakita na ito ay parte ng estate ni ?? kahit wala itong anumang dokumento na mapapakita kundi fake title na ‘di kinikilala ng Register of Deeds ng Land Registration Authority.

Dati bang nangu­ngupahan ang mga iyan sa iyo o umuupa sa taong nabilhan mo? Kung dati nang umuupa sa nabilhan mo ay humingi ka sa kanila ng pruweba o ebidensiya na sila ay tenant nila upang makapagsampa ka ng kasong unlawful detainer or ejectment.

Ang pag-okupa nila roon mula sa seller mo ay patunay na kinikilala nila ang titulo ng seller mo at ang titulo na ito ay naipasa na sa inyo kaya’t dapat nila kayong kilalanin bilang bagong may-ari.

Mas gugustuhin nila talaga na maisampa iyan sa korte dahil magtatagal pa ang kanilang pananatili roon nang libre hangga’t hindi pa sila napapaalis ng sheriff base sa isang desisyon ng korte. Ang mga sindikato naman ay makikipag-negotiate na aalis sila basta’t babayaran ninyo sila nang malaki. Ganyan ang ginagawa sa nga­yon ng mga professional squatter.

Alamin mo ang history ng mga nakatira doon at kung mapatunayan mo na pinagkakaperahan nila ang pag-okupa sa lupa mo ay idemanda mo rin sila ng professional squatting at ito ay isang criminal case na may parusang kulong ayon sa napakagandang batas na ginawa dati ni Sen. Joey Lina (RA 7279):

Sec. 27. Action Against Professional Squatters and Squatting Syndicates.— The local government units, in cooperation with the Philippine National Police, the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), and the PCUP-accredited urban poor organization in the area, shall adopt measures to identify and effectively curtail the nefarious and illegal activities of professional squatters and squatting syndicates, as herein defined

For purposes of this Act, professional squatters or members of squatting syndicates shall be imposed the penalty of six (6) years imprisonment of a fine of not less than Sixty thousand pesos (P60,000.00) but not more than One hundred thousand pesos (P100,000), or both, at the discretion of the court.

***
Kung may ka­ta­nu­ngan pa ay tumawag lamang sa 8-922-0245 o 8-514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.