Abante Tonite Interactive

Nanguryente sa labanan ng Senate President : Imee nag-sorry

503

Humingi ng paumanhin si Senator-elect Imee Marcos kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III dahil sa pagkakalat nito ng maling balita na kakalabanin ni Senador Cynthia Villar ang nakaupong lider ng Senado.

“Nagpadala ng text message si Sen-elect Imee Marcos at humingi ng paumanhin. Sabi niya misunderstanding, kaya niya lang nabanggit yan kasi kapartido niya si Sen. Villar,” paglalahad ni Senador Panfilo Lacson.

Kasabay nito, isiniwalat din ni Lacson na ilalako niya ngayong Lunes ang resolusyon upang papirmahan sa mga dati at bagong halal na senador ang pagsuporta nila sa liderato ni Sotto.

“Kung sino ang ‘di pipirma sa Lunes at least alam nating may pag-aalinlangan.” saad ni Lacson.

Kailangan ang boto ng 12 senador para maluklok ang Senate President at iba pang posisyon.