Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanibasib! Brown, Tatum nakaisa vs Heat

0 85

BUMALIK si Gordon Hayward sa 74th NBA East Finals Game 3 nitong Sabado at pinalamig ng Boston ang Miami 117-106 para idikit ang Eastern Conference finals deficit sa 2-1.

Isang buwang nakagarahe si Hayward habang nagpapagaling mula ankle injury.

Pinigil ni coach Brad Stevens ang minuto niya pero sinulit ng 6-foot-7 forward. Sa loob ng 30 minutes off the bench, nagposte ang 30-year-old ng 6 points, 5 rebounds at 4 assists.

Ceasefire muna ang hostilidad, sa Huwebes ang Game 4.

Apat na Celtics ang nagsumite ng 20 pts. pataas para iganti ang back-to-back losses. Team-high ang 26 ni Jaylen Brown na may 7 rebs. at 5 asts. pa.

Big night ni Jayson Tatum, nag-deliver ng all-around game na 25 pts., 14 rebs. at 8 asts. May 21 pa si Kemba Walker, nilista ni Marcus Smart ang 11 sa kanyang 20 pts. sa fourth.

Nasa unahan ang Boston 31-22 pagkatapos ng first quarter, hindi na lumingon ar pinaabot sa 20 pts. ang kalamangan.

Nagtangkang bumalik ng Miami, higit 4 minutes pa, naglunsad ng 16-5 run mula sa 7 quick pts. ni Duncan Robinson para dumikit sa lima. Kaya lang, apat na free throws ang ibinaon ni Smart sa stretch. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.