Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naningil ng pusta, saksak ibinayad

0 191

Patay ang isang lalaki matapos umano’y pagsasaksakin at bugbugin ng kanyang apat na kapustahan sa karera ng kalapati, kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Kenneth Pagulayan, nasa hustong edad.

Habang pinaghahanap na ng Manila Police District-homicide section ang apat na suspek na sinasabing kapustahan at sumaksak sa biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD-HS, alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente matapos puntahan ni Pagulayan sa Barangay 767 ang mga suspek para singilin ng P1,000.

Sa halip na bayaran, hinabol umano ng saksak at ginulpi ng apat ang biktima.

Ayon sa impormasyon ng barangay, mga pasaway sa kanilang lugar ang mga suspek at nasa drug watch list. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.