Abante Tonite Interactive

Nanood ng basketball negosyante dinedbol

435

Dedbol ang isang negosyante matapos siyang pagbabarilin ng isang naka-helmet at face mask na lalaki habang ang una ay nanonood ng basketball sa covered court ng kanilang barangay sa San Jose, Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Calora Villanueva, 38, may asawa, negosyante, taga-No.154 Tendido St., Brgy. San Jose, Quezon City.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Masambong P/Chief Lt. Col. Rodrigo Soriano, ang krimen ay naganap dakong alas-8:00 nang gabi sa Brgy. Veterans, Calumpit St., Project 7 ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi, nakaupo lamang ang biktima sa bleacher­s ng court at nanonod ng larong basketball ng kanyang mga kaibigan nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Nang matiyak ng hindi pa nakikilalang salarin na patay na ang kanyang target ay mabilis nang tumakas sakay ng motorsiklo.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang Philip Brondial na noon ay nanonood din. Ginagamot ito ngayon sa hindi na tinukoy na ospital.
Inaalam pa ng pu­lisya ang motibo sa krimen upang makilala ang nakatakas na gunman. (Dolly Cabreza)