Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanood ng sabong, binoga

0 82

Isa ang patay habang isa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang iligal na sabong kamakalawa sa bayan ng Pambujan, Northern Samar.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan si Remy Subalidsid, 38, magsasaka.

Nagpapagaling naman sa ospital matapos tamaan ng ligaw na bala si Ronnie Francisco, 26, kapwa taga-Barangay Ynaguingayan ng nabatid na bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para madakip ang suspek na si Erwin Subalidsid, kaanak ng napatay na biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-9:30 ng umaga nitong Linggo sa isang tupadahan sa Barangay Ynaguingayan ng bayang ito.

Nanonood ng sabong ang mga biktima nang dumating ang suspek na armado ng maikling kalibre ng baril at malapitang pagbabarilin si Remy. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Francisco.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente at kung ano ang motibo ng suspek para patayin ang kaanak. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.