Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanood ng Squid Game sa North Korea kinulong

0 75

Hanggang ngayon pala, matindi pa rin ang nagiging punishment sa mga North Korean na madidiskubreng nanonood ng mga foreign films.

Particular na ang nag-hit internationally na “Squid Game.”

Base sa report ng Radio Free Asia (RFA), isang American news media outlet nagbabalita ng mga kaganapan sa North Korea noong November 23. Sinentensiyahan ang mga high school students ng severe punishment pagkatapos na mahuling nanonood ang mga ito ng Squid Game.

Ayon sa RFA, “Early last week, seven high school students from Chongjin City, North Hamgyong Province, were caught watching ‘Squid Game.’ They were caught by the 109th Joint Command of Staff’s inspection. The residents who imported the USB sticks with the Korean drama were shot to death and the student who purchased the USD was sentenced to life in prison while the other students who watched with him were sentenced to five years of labor reformation.

“The students were caught by the 109th Joint Command’s inspection after the student, who watched the show with the student who purchased the USB, told the other students about the show. They were passing along the USB when they were caught by the inspection.”

SM food to go Banner Ad

Big deal daw talaga sa North Korea ang nangyari. Isang major issue talaga, lalo na ang kakaibang content ng k-drama na Squid Game pa. Kasunod pa nito na first time raw na makahuli ng mga juvenile offenses pagkatapos na mas palakasin pa ang censorship ng foreign content.

Sabi pa sa report, “It is expected that the investigation and punishment of the offenders will continue for a considerable period of time given the borders are closed off due to COVID19 and they will investigate to find the route in which the USB was smuggled in.”

Ang principal, youth secretary at homeroom teacher raw ng mga high school students na nahuli ay dismissed na sa kanilang mga posisyon . Expelled na rin daw sa kanilang party membership list.

Nagsasagawa na rin daw ng extensive censorship ang North Korean authorities para mahuli ang nagbenta ng mga CD at USB na naglalaman ng mga foreign drama sa market.

Leave A Reply

Your email address will not be published.