Abante Tonite Interactive

Nanunog ng bahay sa Tondo sumuko kay Isko

252

Sumuko kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang lalaking itinuturong nanunog ng kanyang bahay na naging dahilan ng pagkamatay ng anim na katao sa Tondo, Maynila kamakailan.

Pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang puntahan ng alkalde ang suspek na si Eduardo Lotero sa isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na una nang nagpahatid ng mensahe kay Moreno ang suspek para sumuko matapos malaman na pinaghahanap siya ng mga pulis sa nangyari.

Matapos sumuko sa alkalde, ibinigay ni Moreno sa kustodiya ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek para sa pagsasampa ng kaso.

Ayon kay Moreno, bahala nang magdesisyon ang korte sa kaso matapos na itanggi ng suspek ang paratang.

Naganap na pag-aari umano ng ina ng suspek ang nasunog na bahay.

Ayon sa mga kapitbahay, bago sinilaban ni Lotero ang bahay ng ina ay nag-away ito at ang kanyang asawa. (Juliet de Loza-Cudia)