Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanunog sa bus, konduktora kilala na

0 55

Nakilala na ng Quezon City -Bureau of Fire Protection (QC-BFP) ang lalaking nanunog ng bus na sinasabing karelasyon nang niliyabang konduktora sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Enero 3.

Kinilala ni QC-BFP operations chief Fire Chief Insp. Joseph del Mundo, ang nanunog at nagsunog sa sariling lalaki na si Edwin Dejos, 49, live-in partner ng niliyabang konduktora na si “Amy” Sembrana.

Nabatid na si Dejos ay kakambal ng naging mister na si Sembrana at nang mamatay ito ay naging karelasyon nito ang kapatid at nagkaroon siya dito ng tatlong anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, nag-away umano si Dejos at ang konduktora sa Golden Dragon bus at pagsapit sa Pearl Drive ay binuhusan ng una ng flammable liquid si Sembrana, niliyaban at isinunod ang sarili.

Dahil sa mga plastic barriers ay mabilis na kumalat ang apoy at nagsitalunan ang mga pasahero sa binasag na bintana ng bus.

Siyam na anak ang naulila ng konduktora sa iba’t ibang lalaking naging karelasyon nito.
Wala pang nagke-claim sa sunog na bangkay ni Dejos na sinasabing taga-Cebu City. (Dolly B. Cabreza/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.