Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nanunuyong mata, bakit basa?

0 45

Laging nakatutok sa gadget, babad sa panonood ng tv, nakatitig maghapon sa screen ng computer dahil sa trabaho o sa online classes. Ganyan ang ating new normal ngayon, at marami rin ang nagrereklamo na nanunuyo ang kanilang mga mata at parang may buhangin na hindi matanggal-tanggal.

Naghilamos na’t lahat hindi pa rin nagtanggal.Kahit ang paglalagay ng pipino ay hindi na nakakatulong. Baka mayroon ka nang tinatawag na dry eye syndrome.

Sinabi ni Dr. Noel Castillo, isang ophthalmologist surgeon na ngayon ay nagpa-practice na sa Washington State, nagkakaroblema ang isang tao sa dami at kalidad ng luha sa kanyang mga mata.

Kadalasan, ang may problem anito ay ang mga tumatanda. Pero ngayon, nakikita na rin ito sa mga bata lalo na ang mga nakababad lag isa screen ng kanilang phone, computer o tv.

Ang ating luha ay mayroong tubig, mucus, fatty oils at protina na pumoprotekta sa atin sa mga maaaring makairita sa ating mga mata.

Kapag tayo ay kumurap, may luhang tumutuloy sa cornea para bigyan ng pagkain ang selula at maprotektahan ang mga mata. Gayunman, kapag nagbago ang nilalaman ng ating luha, o kapag hindi nakakalikha ng sapat na luha ang mata, naapektuhan nito ang kalusugan ng mata.

Ang edad ang pangunahing dahilan ng dry eye syndrome. Pero ngayon, ang mga kabataan ay naaapektuhan na rin nito dahil sa matagal na pagtutok sa screen at nakakalimutang kumurap para makalikha ng bagong luha ang mata.

Ang ilan pang dahilan nito ay ang mga gamot tulad ng decongestant, antidepressant, antihistamine, birth control pills at hormone replacement therapy. Maging ang mga gamot sa blood pressure, anxiety at Parkinson’s disease ay maaari ring maging dahilan ng dry eye syndrome.

Ang mga auto immune problem tulad ng rheumatoid arthritis, lupus, thyroid disorder at diabetes ay maaari ring maging dahilan ng dry eye syndrome.

Nakakaapekto rin ang usok, hanging natural o nanggagaling sa electric fan at aircon at kapag tuyo ang kapaligiran.

Pero bakit nagluluha ang mata ng mayroong dry eye syndrome?

Ayon sa mga eksperto, naiirita at di komportable ang mata kapag nanunuyo ito. Dahil dito, umaaksyon ang ating lacrimal glands at nagpo-produce ng napakaraming luha, at umaapaw tuloy sa drainage system ng mata.

Mayroon namang solusyon sa dry eye syndrome – puwedeng may ipatak na gamot o puwede ring operahan. Kailangan lang na magtungo agad sa ophthalmologist para mapatingnan ito at magawan ng paraan dahil mawawalan ng natural na proteksyon ang ating mga mata kung wala tayong luha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.