Abante Tonite Interactive

Naomi Osaka kinilig kay ‘Black Panther’

By
522

Napaamin ni Ellen DeGeneres si Naomi Osaka kung sino ang celebrity crush nito, at sa unang pagkakataon ay ibinuko rin ng Haitian-Japanese kung ano ang ibinulong sa kanya ni Serena Williams pagkatapos ng US Open women’s singles final.

Nitong Miyerkoles sa The Ellen DeGeneres show, sinabi ng 20-an­yos na dalaga na ang Black Panther star na si Michael B. Jordan ang kanyang celebrity crush.

Lumabas muli ang pagka-kikay ni Ellen, nakipag-selfie sa bagong tennis star at ipinadala ang photo kay Jordan on air.

“You’re stressing me out,” nahihiyang buwelta ni Osaka.

Sabado sa Flushin­g Meadows, naging u­nang Japanese-born player si Osaka, male o female, na nagkampeon sa isang grand slam event nang talunin ang idolo niyang si Williams 6-2, 6-4.

Naging kontrobersiyal ang match nang komprontahin ni Williams si chair umpire Carlos Ramos na tinawag pa niyang “thief” pagkatapos bagsakan ng tatlong code violations ang 23-time grand slam champion.

Sa trophy ceremony, umalingawngaw ang boos ng crowd sa Arthur Ashe Stadium. Naiiyak na si Osaka nang akbayan ni Williams.

At ang magic bulong ni Serena?

“She said that she was proud of me and that I should know that the crowd wasn’t booing at me,” ani Osaka. “At the time, I did think that they were booing at me. I couldn’t tell what was going on, because it was just so loud in there. It was a little bit stressful.”