Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naomi pumalag sa mga buwisit

0 258

KELAN lang, nag-post si Naomi Osaka ng pictures niya na naka-bikini, nagpapaaraw.

Tulad ng ibang 20-something, mahilig din ang 22-anyos na tennis star sa pagpo-post sa social media para i-dokumento ang araw-araw niya.

Bigla, inatake siya ng trolls.

Pinagdiskitahan ang kanyang katawan.

SM food to go Banner Ad

“Is that pregnancy or quarantine stomach?” komento ng isa sa photo ni Osaka sa tabi ng pool, nakasuot ng silver mini-dress.

Sa isa pang post, pinakita ni Osaka ang Nike sneakers niya habang naka-blue swimsuit bottoms at yellow sweatshirt.

“I don’t get why you would post half naked pics of yourself. Have some class… you don’t need to do this,” sundot ng isa.

Dumipensa si Osaka, kumbaga sa tennis ay sumagot ng slam.

“I just wanna say it’s creeping me out how many people are commenting at me to maintain my ‘innocent image’ and ‘don’t try to be someone you’re not,” buwelta niya. “You don’t know me, I’m 22, I wear swimsuits to the pool. Why do you feel like you can comment on what I can wear?” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.