Abante Tonite Interactive

Naonse ng ahente

372

Dear Atty. Claire,
May gusto po akong itanong sa inyo regarding sa nakuha namin lupa sa Cavite na 132 sq.m. Residential lot po ito, in 3 months time matatapos na po ‘yung payment for reservation. Then after that sa bangko na po kami magbabayad ‘di na sa realty company. Ngayon po nagkakaproblema kami sa banking loan kasi po insufficient income po ang sabi ng bangko sa amin kaya ‘di ma-approve kami, at need pa po ng co-borrower para kami ma-approve, but up to now at malapit na ka­ming matapos sa reservation payment by October 2 years.

Wala pa po kaming makuhang co-borrower as per requirement ng bangko para ma-approve ung loan namin.

Ngayon po nag-decide ako na i-cancel na lang ‘yung contract namin sa realty company at ‘di na ituloy bilhin ‘yung lupa. At sinabi ko po na ‘wag na ideposit ‘yung 3 remaining checks ko, kasi po nagbigay ako sa kanila ng PDC at umokey naman sila na ‘di na nila idedeposit ‘yung remaining checks ko. Kasi po ang bayad ko sa kanila every 25th of the month.

Ngayon po Atty. Nag-email sila sa akin na wala daw akong makukuha na refund or forfeit ‘yung payment ko sa kanila dahil sa Article 6 of Reservation Agreement of Extra Judicial. ‘Di po kami delinquent magbayad kung tutuusin bago po nila ideposit ang PDC ko with as scheduled date my pondo na s’ya.

Ganun po ba talga Atty? Wala talaga kaming makukuha na refund? At ang sabi po nila sa email need to sign a waiver of affidavit/quit claim in order not to issue of notice of cancellation and deliquency of payment. Do I need to sign it Atty? Kapag po ba nag-sign na ako wala na akong makukuhang refund man lang kahit papaano?

Related Posts

Sana po matulungan n’yo po ako sa aking katanungan at kung ano po ba ang dapat kong gawin kasi po nanghihinayang po ako sa mga hinulog ko sa lupa almost 450K na po. They want me to sign the waiver immediately.
Sincerely yours,
Rosalyn Lavendia

Ms. Rosalyn,
May napirmahan ba kayo na kontrata sa kanila o binigyan lang kayo ng mga resibo ng payments ninyo?

Kung may napirmahan kayo tungkol sa forfeiture ng payments ay iyon ang masusunod. Ngunit kung nais ninyo naman ituloy para ‘di masayang ang nabayad ninyo, iyon nga lang mahal kapag sa in-house financing kung saan sa financing institution ng developer kayo uutang at mas malaki ang inte­rest nun.

Kung wala kayong napipirmahan na anuman at binibigyan lamang kayo ng mga resibo (basahin ang maliliit na sulat sa resibo sa may bandang ilalim tungkol sa policy nila, kung mayroon man) ay hindi applicable ang forfeiture na sinasabi nila maliban lamang kung may nakasulat na maliit na provision tungkol dito sa ilalim ng resibo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 514-2143/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.