Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napa lider sa windsurfing CHARIZANNE

0 298

Pasiklab ang pinangungunahan ni Charizanne Napa na national windsurfing sa 2021 Mussanah Open Championships-Final Olympic Qualification for Asia & Africa, sa Millenium Resort, Oman nitong linggo.

Lider si Napa, 2019 Southeast Asian Games silver medalist, makalipas ang three races sa women’s RS:X sa likod ng 3.0 points.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa ikatlo naman sa men’s RS:X, pumwesto si two-time world champion Geylord Coveta na may 10.0 race markers, panlima naman si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Yancy Kaibigan sa 15.0 pts., at ikapito si Renz Angelo Amboy sa 20.0 makaraan din ang tatlong karera.

Sasalang sa kabuuang 12 races ang mga windsurfer at tanging ang magwawagi sa bawat events ang makakapalaot sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng pandemya sa parating na July 23-August 8. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.