Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napa sa Rise Up, Shape Up!

0 120

Ibihagi ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkilala kina international Pinay windsurfers Charizzanne Jewel Napa at Angela Yvette Paz, at winning coaches Allena ‘Len-len Rius ng gymnastics-aerobics team at Josephine Canare ng bowling nitong Sabado at Linggo sa webisode Rise Up! Shape Up!

Sina Napa, 19, at Paz ang mga nagpasimula sa ganap na 10:30 nang umaga programa sa pagbahagi ng kanilang journeys bilang mga batang windsurfers na nakapagbigay na ng mga karangalan sa bansa.

Kabilang si Napa sa apat na windsurfer na lumahok sa 2021 Mussanah Open Championship sa Oman para sa tsansang mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Sumablay man, nagpakita pa rin siya ng tapang nang kumpletohin ang 12 races. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.