Abante Tonite Interactive

Napabayaan ang sarili: John Lloyd mukhang ermitanyo

720

ROMMEL PLACENTE: Nakita ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa Wao, Lanao de Sur noong Wednesday, April 17. Dinalaw niya ang bestfriend niya roon.

Marami ang na-turn-off nang makita si Lloydie nang personal, at nang i-post ang kanyang picture sa social media. Hindi na raw kasi mukhang artista ang dating ng aktor, dahil nagpatubo ng balbas at bigote. Mukhang hindi na raw nito inaalagaan ang sarili.

Kahit na raw namumuhay ngayon bilang isang ordinaryong tao si Lloydie, sana raw ay maging maayos pa rin ito sa kanyang sarili, at panatilihin ang look bilang isang artista. ‘Yung iba nga raw ordinaryong tao ay maayos tingnan, siya raw na isang artista at hinahangaan ng marami, ay hindi kaaya-ayang tingnan. Sabi pa ng iba, siguro raw ay hindi naman masaya si Lloydie sa piling ni Ellen Adarna kaya kita ‘yun sa kanyang hitsura. Ganoon nga kaya ‘yun, Lloydie?

Sa tingin naman namin, ay masaya na siya sa piling ni Ellen kaya mas pinili muna niyang mag-indefinite leave sa showbiz makasama lang sa Cebu ang aktres at kanilang anak na lalaki. Pero sana ay ahitin niya na ang kanyang balbas at bigote para maging malinis na ulit siyang tingnan.

MILDRED BACUD: Kung titingnan talaga ang latest pic ni Lloydie friend Rommel, hahanapin mo ang dating aktor na clean cut, maputi, glowing at may aurang pang-artista.

Kahit daw sa Cebu kung saan namumuhay ito na parang isang ordinaryong tao ay ganoon siya kasimple. Kapag nga raw may nag-a-approach at gustong magpakuha ng picture, sasabihin daw niya, “Ay hindi na po ako artista,” pero mabait pa rin naman daw na kapag in-insist ay pinagbibigyan niya.
Sa sinasabi mong latest pic ni Lloydie sa Lanao del Sur, ay umani talaga ito ng iba’t ibang reaksyon.

May mga nagtatanong, “Anyare Lloydie?” Bakit daw nga pinabayaan na nito ang sarili? Mukha raw stressed at malayong-malayo na sa dati. Pero sa isang banda ay may mga nagtanggol din naman. Ang hitsura raw ng aktor ngayon only shows how happy he is with his private life kasama ang pamilya. Hindi na raw nito iniisip how to look good because he is contented with his life. Taliwas sa opinyon ng iba na when you’re happy, the more na maganda ang aura mo. No stress, no pressure dahil hindi ka na raw tali sa nakakangarag na schedule ng mga artista.

Sa akin naman mga ka-Cuatros, dapat alagaan pa rin ni Lloydie ang sarili. Wala namang masama na tulad nu’ng artista siya ay magpa-facial pa rin at i-pamper ang sarili. Kahit kasi anong iwas niya sa showbiz, makikita pa rin siya ng publiko. Ibigay na lang niya sa mga tagahanga niya kung ano ang pagtingin sa kanya no’n but if he finds happiness sa pagiging simple, sino naman tayo para humadlang?

RODEL FERNANDO: Well, mukha namang gusto talaga ni John Lloyd ang ginagawa niya ngayon. Bahagi ‘yan ng trip niya. Ganyan yata talaga ang mga nakaranas ng sobrang kasikatan. May mga ginagawa sila na hindi inaasahan.

Ayaw kong sabihin na nagpapapansin siya pero dahil sa ginagawa niya ay kapansin-pansin siya. Puwede naman na ayusin niya ang kanyang itsura at huwag ganyan na mukha siyang ewan. Hindi ako natutuwa sa totoo lang.

Ganunpaman, kagustuhan niya kung anuman ang mga pinaggagagawa niya sa kanyang buhay. Importante ay masaya siya sa piling ni Ellen at ng kanyang anak. At ‘yun siguro ang importante sa kanya, ang walang pakialam sa sasabihin ng tao. After all, buhay nga naman niya iyan at tanging siya ang puwedeng magdikta ngayong kumawala na siya sa showbiz.

RONA AVECILLA: Totoo nga na malaki ang itinanda ng aktor sa kanyang looks ngayon. May mga nagsasabi pa nga na mukha na siyang tatay ni Ellen dahil sa datingan niya. Gayunpaman ay marami pa ring proud sa kanya dahil nakikita naman umano sa mata ng aktor na masaya siya.

Sigurado kami na masaya si Lloydie sa piling ni Ellen. Ang tunay na masaya at kuntento, walang pakialam sa sasabihin ng tao.

Maybe it’s a sign of freedom. Ganyan din naman ang American actor na si Brad Pitt na nagpahaba rin ng buhok at balbas noong mga panahong maghihiwalay na sila ni Angelina Jolie. Well, ang kaibahan lang sa kanila ni Lloydie ay nagtayo na ng sariling pamilya ang aktor at pansamantalang lumayo sa spotlight.

At saka artist si JLC. Ganyan talaga ang hitsura ng ibang painter. Mukhang ermitanyo.