Napahiya! GMA-7 tinigil palibre ng video, photo

Nagsalita na ang pamunuan ng GMA Public Affairs matapos batikusin sa social media dahil sa pagbarat sa mga video na kinukuha nito sa publiko.
Sa isang pahayag, sinabi nito na nagsasagawa na ng internal review ang pamunuan sa patakaran nito pagdating sa pagkuha ng materyal mula sa taong nasa labas ng kompanya o mga third party. Pinahinto na umano nila ang kanilang team sa paghihingi ng mga photo at video nang walang bayad at hindi na rin uutusan ang mga interview subject na mag-shoot ng video nang libre.

“We acknowledge concerns raised about how GMA Public Affairs has been sourcing video and photos for some of its programs,” tweet ng GMA Public Affairs. Paliwanag nito, karamihan sa mga programa ng network ay nagbibigay ng financial incentive para sa footage na kanilang hinihingi para gamitin sa palabas samantalang ang iba naman ay hinihingan ng permiso para magamit nang libre. Anila, “We recognize the need to standardize our processes and improve.”
Kabilang sa mga lumutang na halimbawa ng pambabarat ng kompanya ang video na nakukuha nito sa publiko tulad ng biktima ng typhoon ‘Ulysses’ sa Cagayan at sa overseas Filipino worker sa Paris, France na diumano’y naglibot sa lungsod para kunan sila ng footage lugar noong kasagsagan pandemya. (Eileen Mencias)